Bakit?
Bakit kaya ang pag- ibig nawawala sa pagitan ng mag- asawa kapag dolyar na ang katapat?
Bakit kaya ang mga anak ay ginagawang ping pong kapag gustong gumanti ng isa?
Bakit kaya ang lalake hindi makapagpigil ng libog sa katawan?
Bakit kaya ang babae makatikim lang etits ng iba, true love na?
Bakit kaya ang daling maghiwalay ngayon ng mga mag- asawa?
Bakit kaya nagtatanong ako?
Ewan
Bakit kaya ang tao kapag umangat, kadalasan ay hindi na lumilingon?
Bakit kaya kapag tunay kang kaibigan, mas lalo kang tinataboy?
Bakit kaya kapag kinukunsinti mo sila, bes pren ka nila?
Bakit kaya kapag nasasaktan ang mga gago mong kaibigan
ay nasasaktan ka rin?
Bakit kaya kadalasan ikaw pa ang sinisisi, eh sila itong nagloko?
Bakit kaya nagtatanong ako?
Dobleng Ewan
Bakit kaya maraming hipokrito sa ating paligid?
Bakit kaya pati pangalan ng Diyos dinamay pa?
Bakit kaya gahaman tayo sa green card?
Bakit kahit sino na lang pwede na?
Bakit natin binababa ang sarili natin?
Bakit kaya hindi muna maghintay?
Bakit kaya ako nagtatanong?
Ewan na ewan na ewan
Bakit kaya kayang sikmurain ng iba na saktan ang mga mahal nila?
Bakit kapag nagkabahay na dito sa Amerika ay hindi mo na maabot?
Bakit kaya kahit kumabit sila o kinabit o pinagkakabit- kabit
tingin mo pa rin ay kaibigan sila?
Bakit kaya iniisip mo pa rin sila, ang kabutihan nila?
Bakit kaya patuloy mo pa rin silang ipanagdadasal?
Bakit kaya ako nagtatanong?
Ewan
Ewan
Ewan
Ewan kase parang nangyari na sa akin ito, sa mga kaibigan ko, kaibigan ng mga kaibigan ko at kahit hindi pa gaanong kaibigan.
Ewan siguro
Ewan kase kaibigan nga ang tawag sa akin, sa iyo at sa kanila.
Magulo ba? Ewan.