Ang dami ko na palang kaibigan. May mga tao palang interesado sa akin kahit papaano. May panahon silang tingnan ang aking pictures at ang iba naman ay mabait na i- add as friend ako. Sa tanang buhay, sa FRIENDSTER ako sobrang daming “friends”. Meron diyan first degree, second degree and “anyone.” Noong una, hindi ko pa alam na may ganito palang website para maka- connect ka sa mga long lost friends at siyempre makita kung ano na ang itsura nila after 10 years. Ang aking mantra, kailangan okey ang pictures ko at hindi halata na may laugh lines na ako. Routine ko na ang friendster at para akong namamasyal sa park habang tinitingnan ang friends ko. Noong nagkaroon ng maintenance ang friendster, nadiskubre ko na number 1 pala ito na most visited website sa Pilipinas. Sabi nga ng aking hispanic boyfriend, Filipino universe daw ang friendster. Meron din naman akong MySpace account pero mas masipag akong bisitahin ang friendster. Ito pa ang mga natuklasan ko mula sa famous website para sa mga “friends.”1. Kailangan maganda ang profile picture mo para marami kang friends. Pang- akit para maging interesado ang ibang friendsters.
2. Vital ang status ng relationship mo. Kung married, less appealing ka, in a relationship, sayang! pero kapag IT’S Complicated, naku po! Dami mo friends! Tried ang tested ko na ito.
3. Paramihan ng friends sa friendster. Wala na akong masabi.
4. About you- buong buhay na ang nakalagay pati mga paboritong tambayan ng banana q at sago’t gulaman.
5. Send a smile para hindi obvious na tamad kang mag message o para sa mga guys, pakiramdaman muna si girl.
6. Bulletin board na “PLEASE ADD ME AT tikbalang@horse.com. Pagbigyan na nga!
7. Shout- outs tulad ng “Labas na ako sa Preso or asa hundred islands ako, Yeheey!” Sarap mag broadcast.
8. Surveys na nakakatuwa at libangan ng mga nagtratrabaho sa call centers (Hoy! Jon, huwag mo ipagkaila!)
8. Repost this or mamamatay ka sa kalmot ng daga sa loob ng 24 hours.
9. Mag- Novena para hindi mabreak ang chain.
10. Sarap mag- stalk ng dating crushes o mga friends na kinaiinisan mo dati. Kung anonymous kang mag view- hala PERVERT ka pero kung open lang, carry lang di ba?
11. Ang mga top friends mo ay yung mga true friends mo. Period
12. Masakit kapag nalaman mong nagpakasal na si Girl/ Guy na pinapantasya mo nung College pero laking tuwa mo naman kapag mukhang Armadillo ang asawa. Pangpalubag loob ba?
13. Nagkakabati ang mga dating magkaaway. Nangyari na sa akin ito so I strongly advise to use friendster para hanapin ang mga dating kaaway at make peace and make this world another shitting place.
14. Blogs…blogs…blogs……TUNGKOL SA LOVE.
15. Skins and graphics na sana ay puwedeng gawing tattoo.
16. BACKGROUND music na reflection ng edad mo. Ako “IT MIGHT BE YOU” so pinanganak ako around the 90’s.
17. Friendsters in Love, pictures na may slideshow pa! Cool! tapos after one month palit na naman ng graphic code.
18. Kapag Filipino, mas madaling i- add kase kabayan eh!
19. According to my bf, napansin niyang masyadong malambing ang mga Pinay friendsters niya. Tawag sa kanya Darling at Babe. Tatlo pa nga raw ang nag- imbita sa kanya na pumunta sa Pilipinas. Bakit kaya?
20. Masaya ang FRIENDSTER.MAKULAY at hindi MAWAWALA kahit kelan kahit na merong Facebook, Tagged o Hi5.

asa