Tapos na ang librong “Ang New York ay Isang Isla.” Sana ay magustuhan ito ng publisher. Ang hirap pala maghintay ng 2 buwan para sa sagot. Kung ayaw nila, may publisher B, C and D. Basta promise ko ay mababasa niyo ang buong libro. Kahit ibenta pa ito sa sidewalk ng Quiapo.
Binasa ko ulit ang mga kapitulo. Ganito yata ang sakit ng mga manunulat. Never kaming makuntento sa aming obra maestra. Naisip ko marami pang paksa ang pwede kong masulat tungkol sa New York. Dahil nagsimula na naman akong magturo, napili ko ang topic ng poverty sa New York.
Kapag New York kase, Manhattan skyscrapers at Empire State building ang pumapasok sa kokote natin. Mali pala dahil ang daming mahihirap na Nyorkers. Hindi kaseng dami ng nanlilimos sa atin pero significant pa rin ang number nila. Kabilang na dito ang pamilya ng aking mga estudyante. Ang New York State ay may programs for unemployed people. shelter homes and welfare funds. Courtesy ito ng sobrang taas na tax na kinakaltas sa amin. Okey lang, nakakatulong din.
Poverty is everywhere kahit sa mga “glamorous” countries tulad ng US of A. Marami ang nawalan ng trabaho mula nung 911. Thank you Bush at ipinunta niya lahat ng funds para sa war.
Paano makakatulong sa mga students na living in poor conditions as a teacher. Simple, kailangan hindi ka maging kuripot at masaya kang nagbibigay.
1. Snacks. snacks. snacks. Puno ang dalawa kong boxes ng snacks para sa klase ko. Ang bilis nilang magutom. Hindi ko sila masisi, growing sila at walang halos makain sa bahay. Minsan, isang bata ang humingi pa ng extra para maiuwi sa nanay niya.
2. Recycle. Maraming funds ang NYCBOE. Ang ginagawa ko, inaayos ko ang closet ko at humahanap ng supplies tulad ng notebook o book bag para hindi na bumili ang mga magulang. Wala naman na silang pambili. Graduate na ang anak nila bago pa nila mabili ang 6 na notebook at 9 na folder.
3. I celebrate lahat ng okasyon tulad ng bday, christmas, Yom Kippur, Halloween, Ramadan dahil pagkakataon ito para sa “small parties” Kaming mga teachers ay may tradisyon na ginagawa para kasali ang lahat ng culture and race, walang nali- leave out.
4. May mga organizations online na nagdo- donate para sa “at risk” schools tulad ng sa akin. Mag email lamang sa kanila at within one month, may supply na ng toothbrush. toothpaste, book covers, notebooks at iba pang school supplies. Isang picture lang ang hinihingi nila, hawak hawak dapat ng mga bata ang mga donated items nila.
Ilan lamang ito sa mga paraan upang makatulong sa mga estudyante hirap. Sana ang bayan natin ay may programa para sa halos lahat ng Pilipinong naghihirap. Sa mga bumasa nito, magpasalamat ka dahil may 10 notebooks ka nung grade 6 ka at may bagong pokemon na bag.

Id like to buy and read your book Ms. T!
Please lemme know kung na publish na ba..
thanks!
hello hazel! npublish na ba book mo?sana mapublish na para mabasa na namin….
ingat ka palagi!