FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Linkin Park Sa Aking Munting Mundo September 24, 2007

Nabili ko na rin sa wakas ang latest album ng Linkin Park, Minutes to Midnight. Isa ako sa milyon milyong fans nila na walang tigil ang birit sa pagkanta na “In the End” habang nagmamaneho at ang “Crawling” kapag gusto ko nang basagin ang ulo ng ex ko noon. Hindi ako nabigo dahil masasabi ko na maganda ang kinalabasan ng kanilang album, Tiyak na yayaman sila at ako ay, well enjoy sa kanilang music. On a side note, gusto kong ibasura o ngatngatin ang album ng Maroon V. Lintik nasayang lang ang $11.99 ko dahil naging boses princess si Adam Levine. Ibibigay ko na lamang siguro sa isang teenager na basta guwaping ang lead singer okey na. Balik tayo sa paksa na Linkin Park. Inihilera ko na ang bandang ito sa pedestal ni Nellie Furtado, Joss Stone, Jay Z at Amy Winehouse sa pinakasulit na album sa taong 2007.

Binasa ko CD jacket at habang binabasa ko ang mga lyrics (sulit talaga!) napansin ko ang explanasyon ng banda kung paano nila nilikha ang kanilang album. Nakaka- touch dahil totoo. Basahin ang sumusunod na mga wika nila.”In conversations with many musicians and record makers, we often ask, “What do you think makes a successful album?” The answers range from “meticulous, tireless writing” to “dumb luck”. In making Minutes to Midnight, we have learned a lot about our answer: enjoy the process. We hope you enjoy the songs.”

Pang Ms. Universe ba ang sagot? Parang slam book pero totoo kahit sa isang struggling na manunulat tulad ko. Ilang beses din na gusto ko tadyakan ang aking laptop dahil wala ako maisulat, ang mga tula ko ay mediocre sa aking standard at ang libro ko ay mukhang never na mapapublish. Nabubuwisit din ako dahil isang English nobela na ang aking nasimulan pero lagi akong walang gana ituloy. Mas feel ko pang gawin ang nobela ng aking Tiyo dahil anniversary gift niya ito sa kanyang asawa. Perfectionist siguro ako o sadyang may ADD. Sabi ng aking boyfriend malamang ADD haluan mo pa ng pagka- eccentric. Noong tinanong ko ang aking Ate kung sino ang mas magaling sa aming magsulat ng aking Kuya. Hindi siya makasagot pero sa huli sinabi niya na “mas magaling pa rin ang Kuya mo.” Aba! Ang ego ko ay nabasag na parang pulang itlog. Para hindi ako magwala, sinabi niya na iba ang estilo ng aking pagsusulat. Kung ang mga likha ni Kuya ay may poise at finesse, ako naman ay parang bomba. Sus! doble insulto ba? Sa huli, dahil ilang champagne glasses na ang nginuya ko, dinagdagan na lang niya na “May Puso ang Pagsusulat mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng mambabasa. Cute, maintriga, nanunukso (erotic?), nagpapa- isip at higit sa lahat nagpapatawa at nakakawala ng pagod” Tumahan na rin ako sa pambobola ni Ate sabay salpak ng malaking slice ng cheesecake.

187 entries na at 97 na mga tula na ang aking naisulat sa aking mga websites. Yung iba hindi ako makapaniwala na naisulat ko. Ano kaya ang sumapi sa akin? Si Marina o si Mari Mar? Asan na si Fernando Jose? Ayan umaandar na naman ang aking “Basilio, Crispy Kreme? Asan kayo?

Kung ilalagay ko sa isang libro ang mga isinulat, maaaring hatiin ito by volumes.

Volume 1: Ang mga hinanakit ko dahil binagsak ko ang “marshmallow test” kaya ako ganito. Ang mga isinulat ko tungkol sa aking pamilya na hindi okey pero pasado na rin. Ang mga natutunan ko sa hirap tapos ginhawa tapos hirap lalo tapos ginhawa tapos isang malaking Ferris Wheel na aming family life. Maganda na mapait. Lumaki akong mag- isa, ma pride at hindi papatalo. May advantage kase, never ako gigive- up pero kapag pag- ibig na ang kaharap, pride ang umiiral at urong na aking dalawang bayag.

Volume 2: Ang mga reklamo ko tungkol sa aking trabaho, Pagmamahal ko sa pagtuturo at ang aking mga adhikain na sana ay maiayos ang maling sistema ng edukasyon. 100 years from now, baka mailagay na rin ang pangalan ko katabi ni Rosseau, Montessori at Locke. Ang laki ng pangamba ko na kapag ipapasok ko na sa school ang aking future na mga anak- parang Spanish Inquisition ang gagawin ko sa teacher.

Volume 3: Pag- ibig, katangahan at kaligayahan ko. Hanggang ngayon touchy ang subject na ito sa akin.

Volume 4: Mga tula na isinulat ko habang nakasakay sa 6 train, bus 22 o habang nakatambay sa Union Square Park. Mga tula tungkol sa totoong Hazel. Walang maskara. Kung matinik ka, makikilala mo ako sa pamamagitan ng aking mga tula. Wala akong preno dahil mas may tiwala ako sa aking sarili kapag nililikha ko sila dahil mula sa puso. GMA po at hindi ABS CBN.

Volume 5: Ang New York na patuloy na nagbibigay ng challenge sa akin. “Ang New York ay Isang Isla” ay hindi mamamatay. Padagdag lang ng padagdag parang telenovela este mas gusto ko chinovela. Sinagip ako ng librong ito mula sa kabaliwan ng mawalay sa pamilya at mga kaibigan. Naging tulay din upang magkaroon ako ng mga bagong friendsters at MySpace friends.

Volume 6: Taas noo, kamay at paa ako sa pagiging Pinoy. Kung may reincarnation nga, hihingilin ko pa rin kay Buddha na gawin akong Filipino. Patangkarin niya lang ako at huwag gawing dapain. Hindi kase ako makapagsuot ng Stilletos.

Volume 7: Ang iba ko pang random, out of the blue na panunulat dahil wala lang, ENJOY kase akong magsulat.   Abangan na lamang ang iba pang volumes. Bago ako matutulog, papakinggan ko ulit ng sampung beses ang kantang Leave out All the Rest at Shadow of the Day. Order na rin ako online ng official Linkin Park shirt kase may promo. may kasamang official sticker. Ang lalim talaga ng kaligayan ko.

 

Leave a Reply