FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Love Story Ni Lolo at Lola September 24, 2007

Tinatapos ko ang nobela ng aking Tiyo dahil handog niya ito sa kanyang pinakamamahal na asawa sa kanilang ika- 25 na anibersaryo. Uuwi siya sa Pilipinas upang ikasal muli sa San Agustin Church. Habang sinusulat ko ang mga kabanata, naalala ko rin ang mga kuwento ng pag- ibig ng aking mga kamag- anak. Pero ang hirap isipin dahil bihira na masaya ang ending.  Pag- ukulan natin ang LOVE STORY ng aking Lolo at Lola. Kahit hindi natapos sa footnote na “And they lived happily ever after”, marami akong natutunan sa kanila. Bawat kabanata ay may kasamang aral na sinunod ko at kadalasan at binago ko.

1.Nagkita ang aking lolo at lola sa isang salu- salo at siyempre na- inlove kaagad si Lolo. Pumwesto siya kaagad dahil sa mala- gatas na balat ni Lola at sabi niya nung panahon na iyon, wala pa sa sahig ang kanyang boobs. Nagkakilala sila at umpisa na ng panliligaw ni Feliciano kay Natividad
- physical appearance ay importante kaya bullshit ang mga nagsasabi na kailangang maganda ang kalooban pero sa pagkakaalam ko sa pisikal na katangian nag- uumpisa ang relasyon. Sa lahat ng naging boyfriend ko, requirement ay maganda ang mata at mas matangos ang ilong sa akin. Ang boyfriend ko ngayon ay mas maganda pa ang legs sa akin at mas maputi, latino papa at na- attract siya sa akin sa Dunkin Donuts dahil sa aking mga mata at ang 2 tacos at 3 bavarian creme na donuts plus 1 frappucino. Sa tanang buhay niya, nakita niya ang confidence ng isang babaeng gutom. Ang sagot ko sa kanya wala ako pakialam kapag gutom ako, wala poise poise kapag kumakalam ang tiyan.

2. Niligawan muna ni Lolo ang mga magulang at kapatid ni Lola
- importante ito kase plus points kapag nag- away, may kakampi ka. Meron akong naging bf na ang pamilya ay tinuring akong anak. Nung naghiwalay kami pagkatapos ng 3 taon, umiyak ang kanyang ina at mga kapatid. Meron naman na halos ipagtabuyan ako dahil hindi ako kasing yaman ng pamilya niya. Law of Karma ang pumalakol sa kanila After 5 years, nagising rin ako na wala ako mapapala sa “panliligaw” sa kanila at paghihintay sa “pag grow- up” ng anak nila.

3. 9 years silang engaged na never na nakita ni Lola ang bahay ni Lolo (that time kase pangit tingnan kung pumunta ang girl sa house ni boy, malandi daw yun)
- Sabi ni Lola kung alam lang niya na walang hagdan ang bahay nila Lolo, hindi na sana siya pakakasal at hindi pa niya nakita na nakaasa lahat kay Lolo para sa pagkain at luho.

4. Kinasal sila sa Quiapo Church (Nazareno na kapag tinitingnan ko, natatakot ako at na nakokonsensya sa aking mga kasalanan tulad ng pagmumura)
- Kung ikakasal man ako, ayaw ko sa harap ng nakakatakot na Statue ni JC o dumudugong mata ng Virgin Mary. Kahit saan basta nandun ang pamilya ko at mga tunay na kaibigan. Ayoko na piyesta ang magaganap plus baka nakawin pa ang champagne glasses ng mga bisita na hindi ko kilala.

5. Wala silang alam tungkol sa sex kaya sabi ni Lola nagmukha silang tanga nung first night nila
- Buti na lang may alam ako, pasalamat ako kay Dra. Holmes.  Pero ang sabi ni Lola, dapat virgin pa ang parehong lalake at babae bago ikasal para daw inosente. Malaking halakhak ang sagot ko sabay batok naman ang inabot ko.

6. Nabuntis kaagad si Lola naging masungit kaya napabarkada si Lolo, natuto ng bisyo.
- Pag nabuntis ako, kasama ko ang barkada ko at panonoorin ko sila habang gumugimik. Makita na ng asawa ko para sukang suka na siya yosi at alak.

7. Lihim na pinapaaral at pinapakain ni Lolo ang kanyang mga magulang at kapatid, lagi niyang rason mahirap ang bansa dahil kakaalis pa lang ng mga Hapon.
- Sa sitwasyon ko, ako naman ang padala nang padala sa Pinas, minsan naglilihim na ako sa bf ko dahil gusto niyang i- enjoy ko ang pinaghirapan ko. Mentality kase dito, “you work hard for your money, you shouldn’t give it away.” Mahirap dahil OFW tayo.

8. Nabuntis na naman si Lola, lagi na silang nag- aaway. Hindi na rin masyado umuuwi si Lolo. Lagi na siyang nasa saya ng nanay niya ayon kay Grandma.
- brutal din akong nakikpag- away pero umuuwi pa rin si Marcello. No choice kase malambot ang kama namin. Pero marunong na akong mag- sorry, malaking tulong rin itong pagbabago ko.

9. May inampon sila na batang lalake (Uncle ko na hindi na namin nakikita) Anak pala ni Lolo sa ibang babae pero tinanggap pa rin ni Lola
- hindi ko alam kung carry ko ito pero sa mga kaboplakan ng ex ko, malamang malapit na ako sa kalingkilan ni lola.

10. Grumabe ang bisyo ni Lolo at pinapili na siya ni Lola, “Kami o ang magulang at kapatid mo?” Tahimik na umalis si Lolo.
- kung ayaw na talaga ng lalake, huwag na habulin dahil kakawala pa rin (actually mas mahirap kapag pamilya ang karibal, kapag kabit naman may pag- asa pa)

11. Pinalaki ni Lola ang kanyang 3 anak sa mga trabahong babysitter, mananahi, taga- luto at kung ano ano pang sideline para mabuhay. Madalang na makita ang anino ni Lolo.
- girl power si Lola at pinalaki din niya ako. Buti na lang kase yung time na pinagbubuntis ako ni Mother, GGB din siya. Gulo Gulo Buhay niya.

12. Nagtanan si Mother. Na- frustrate si Lolo dahil paborito niya si Mom. Si Lola, tinanggap at nag- move on
- ang buhay ay gulong na paikot ikot. Hindi makulay ang life kapag walang problema. kapag nawala ang mga ito, hindi na tayo makakapagmura at magpapa- party kapag naresolba naman.

13. Nalulong na sa alkohol si Lolo. Kadalasan dumadaan siya sa bahay ni Lola. Hindi na niya ito inaaway. Ayaw ni Lola ng eskandalo. Pinagluluto pa niya ito ng paborito niyang pagkain.
- hanga ako sa katatagan ng loob ni Lola, wala si Lolo sa tabi niya habang naghihirap siyang buhayin mga anak niya. Pero may lakas pa siyang magluto ng paksiw na lechon si Lolo.

14. Si Lolo ang unang nakakita sa akin nang ako ay gumapang tapos lumakad. Pagkatapos ng maraming taon, nagyakapan ulit si Lolo at Lola
- kahit ex mo na, may konting love pa rin. Hindi mawawala ito unless Hudas o Whore naman talaga ang ex mo.

15. Hinoldap si Lolo at ninakaw ang kanyang relo. Tinurukan din siya ng Ativan. Lasing siya at iniwan sa kalye. Ilang linggo rin siyang nasa ospital ng Maynila bago nahanap si tita. Walang nagkusa mula sa kanyang mga kapatid na hanapin siya.
- nakakalungkot dahil iniwan ni Lolo si Lola para sa mga kapatid niya. Marami rin akong sakripisyo at talagang masakit kapag binalewala lamang ng minamahal mo.

16. Konting drama si Lola na payagang alagaan si Lolo sa bahay niya. Sa huli pumayag siya at inalagaan ni Mother at Tita si Lolo.
- kapatawaran, hirap gawin!

17. Pumanaw si Lolo at ang huli niyang sinabi ay “Pakisabi kay Naty, patawarin niya sana ako.” Nang malaman ni Lola, kaharap niya ako. Pumikit siya at pinigilang umiyak. “Mabait ang Lolo mo, pagkatapos nang lahat. Asawa ko pa rin siya.”
- love never dies. Bakit sa akin, ilang beses namatay?

18. Nilibing si Lolo sa umaga at sa hapon nagpakulot at nagpa- manicure si Lola
- life goes on after the pain from being unloved by the person you loved.  

Hindi man happily ever after, modelo ko si Lolo at Lola dahil kahit naghiwalay sila, walang paninira o public display of humiliation. May respeto pa rin sila para sa isa’ isa at sa huli, in love pa rin sila. First love never dies. Sa kaso nila, oo

 

Leave a Reply