Nabanggit ko sa (hinihintay ko pa ang sagot ng publishing co) na libro ko, importante ang mga papeles. Ililista ko ang mga dapat na meron ka at dapat mong makuha bago ka makalangoy palabas ng bansa. Malamang sabihin niyo na hindi na ako maka- pinoy pero hindi rin ako hipokrita, alam ko na ang hirap sa bansa natin. kaya libo libong tao ang naga- apply abroad. Habang hinihintay natin na maging maayos ang ating gobyerno, ihanda ang mga sumusunod:1. Diploma – yung tunay at hindi yung pinagawa sa Recto. Hindi na natin magogoyo ang mga prospective empoyers dahil may ways sila of checking. Tama na ang pekean, utang na loob. Isang pinoy na nagpapanggap na graduate ng Ateneo, kapag nabisto ay matataguriang representative din ng 1000 pinoy. Huwag mo naman nakawin ang pagkakataon ng iba nating kababayan.
2. Original and Certified copies of Transcript of Records- again, huwag pekein!
3. NBI clearance (required ito kapag andyan pa sa Pinas), dito fingerprinting clearance. So kung manginginom ka, iwasang makipag basag- ulo muna.
4. NSO certified Birth certificates- dito ako nahirapan dahil nung dekada 70, eh uso pa pala ang baby girl at baby boy family name ang inilalagay sa birth certificate. Hello???!!! ang dami kayang pinanganak na girl at boy nung taong 197_____ (hulaan niyo nalang) Basta ngayon ay stick to 24 years old ako (hahahahaha, palakpak naman diyan) Kailangan ko pa na halukayin ang aking baptismal certifcate para ipatunay na ako ay may pangalan. Lucy Torres Gomez este Hazel Bernardo Toquero.
5. Copies of workshops/ seminars that you attended. The more, the better! Pandagdag din ng sweldo ito lalo na kung bigatin ang binigyan mo ng stellar attendance.
6. Original letters of EMPLOYMENT from all past employers. Advise lang kahit yung tutorial, kumuha ng letter because they take these into consideration in determining your salary. Always keep photocopies of them.
7. Passport- kahit hindi ka pa nabibigyan ng linaw, kumuha na. Do not wait until the last minute.
Sana ay nakatulong ang mga inilista ko at ang pinakamahalahng aral na tatandaan niyo ay , huwag maging burara! Ilagay lahat sa waterproof na envelope. So when the prospective employer asks to look at these papers, hindi mo na tatawagin si Batman o si Lionel (from Thundercats) para ihatid sa kamay mo. Bonus point ang EVER READY.
