FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Patience is a Gift and Curse of Teachers September 24, 2007

May bagong trend sa school ngayon, ang magreklamo sa union dahil overcrowded ang classrooms, overstressed teachers nd lack of school funds Okey sa alright kaya lang ang siste eh, tinatambak naman sa klase ko ang mga “in dire need of rehabilitation”. Nagsimula ito last week tapos 2 teachers na ang sumunod. Well dito sa New York, pwede mong gawin ang gusto mo, may katwiran ka at malaki ang union fee mo, lahat pwede mo ireklamo. Ang nakakainis lang, wala namang ipinapalit na teacher para sa mga bata na ito. Sabi nga namin ni Lynne, “dumping sites’ ang klase namin. Bukod sa on probation pa kami, green card ay nakasalalay at may .01 % above the extreme level of patience kami, wala kami choice but to accept them.

Kaninang umaga, may inilagay sa akin na talaga naman tumesting sa pasensya ko. 1st grade pa lang po pero ala “Texas Chainsaw Massacre” na ang attitude niya. Walang ginawa kung hindi magmura in spanish, magkalat ng gamit sa room at daganan ang mga estudyante ko. Dinaaan ko sa

1. Pakiusap aka mature talk

2. Tough Love (sabay restrained ng mga paraprofessionals)

3. Rewards aka Bribery (wala nangyari, pumalpak!)

4. Kinausap in private, (lahat ng spanish na mura inabot ko)

5. Tinawagan ang security officer dahil biglang nagwalk out sa klase

6. Tinawagan ang gym teacher, pati siya tinapunan ng Lego at tinawag na babeng aso.

7. Pinipigil ang paghinga dahil baka mabigwasan ko na siya

8. Last pakiusap, wala pa rin….. tanga na ba ako?

9. Hinanap ang AP, asa meeting

10. Tumungtong sa desk at magda- dive sa mga “babies”ko. Leche! (in my head only)

GET OUT OF MY CLASS! GET YOUR BOOK BAG AND YOU ARE NOT ALLOWED TO ENTER THIS ROOM ANYMORE!

………….nakakapagod……nakakainis…….tama ba ako? …..hinabaan ko pa ba dapat ang pasensya ko?

Bukas, alam ko may ilalagay na naman sa akin. Dinadasal ko na lang na bigyan pa ako ni Lord ng isa pang timba ng pasensya.

 

Leave a Reply