FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Tribunal ng Mga Sensei September 24, 2007

 “Tribunal ng mga Sensei Onizukas”              

  • Salamat naman at pinapasok ako nung security guard sa Main Gate kahit wala akong ID. Nagmakaawa ako na kailangan na kailangan kong makausap ang aking mga Sensei Onizukas. Graduate ako ng Saint Loius University, tanda ko pa nga colleges ko at ang ID number ko 962222. Binigyan ako ng gate pass at humingi ng autograph para sa kanyang log- in book.           
  •  Malamang mas maigi na sa Giant Steps ako maghintay sa tribunal. Relax muna ako dahil ang taas ng aking stress at anxiety level. HINDI KO NA KAYA MAGTURO!!!!! Kailangan ko ng guidance kung itutuloy ko pa ang pagtuturo o mag shift na lang ng career.  
  • Bigyan ko muna kayo ng background kung bakit humantong ang lahat sa eksenang ito. Tinanggap ako ng New York Board of Education dalawang taon na ang nakalipas. Special education class ang ibinigay sa akin. Okey naman dahil nagturo na ako ng anim na taon dito sa atin. Pero iba, ibang iba ang senaryo. Nagkaroon ako ng supervisor na sobra ang “love” sa akin, sabi ko nga “Lord, kunin mo na siya kase ang bait niya sa akin.” Ngayon iba na ang supervisor ko. Pero balik tayo sa kung bakit ko kailangan konsultahin ang aking mga Sensei Onizukas, una, hampasin ba naman ako sa likod gamit ang upuan ng isang student. Ang nakakainis pa ay second grade pa lang siya. Paano pa kaya kung asa middle at high school siya? Hindi ko na rin mabilang ang mga pagkakataon na tinawag nila akong Asian whore, Asian worker, Asian she- dog at lahat na ng mura inabot ko. Hindi ko na kaya, dignidad ko na nakapusta dito.  Isa- isa na silang umupo sa Giant Steps at ako naman ay tumayo sa gitna ng parking lot. Sigawan niyo na lang ako pag may kotseng dumarating. Thank you!
  • “Ano ang pakay mo, Louisian?” 
  • “Hindi ko na po kaya magturo. Wala na akong lakas at lagi akong stressed. Middle name ko na nga po ito eh. Iba po ang mga estudyante sa New York. Tingin yata nila sa akin ay isang malaking punching bag.”    
  • Unang tumayo  si A. Soriano “Natatandaan mo ba yung subject mo na Educational Psychology?
  • Hindi ka yata nakikinig. Pinag usapan natin ang mga special education students.
  • Isinama ko pa ang Learning Disabilities, characteristics pa
  • Dapat alam mo kung ano ang dynamics upang maturuan sila”  
  • “Ginawa ko naman po Atty,/ Vice Pres Arn
  • At nakikinig pa ako sa inyo sa Auditorium ng Perfecto Building
  • Medyo takot lang ako sa inyo noon kase ang bilis ninyo magsalita
  • Halos mabali na ang mga daliri ko pagsulat sa mga dictations niyo”        
  • “Tinignan mo ba ang level ng motivation ng mga estydyante mo?
  • Tinuro ko yan sa Dynamic Psychology
  • Binanggit ko pa nung nakiki- chika ka kela Jerico at Jason
  • “The lowest and highest level of motivation results to the same behavior”
  • Sumunod naman si L. Gandeza na nagsalita    
  •  “Una po ma’am, di pa ako nakiki- chika sa barkada ko
  • Tinanong ko lang po kung nagtext na yung crush ko mula sa COE
  • At ginawa ko naman po lahat ng motivational activities
  • Tumambling pa nga ako sa harap nila ma’am”        
  • May biglang cute na tumayo, Ah, si F. Ellamil
  • Research ang kailangan mo iha
  • Dapat mapasensya ka at thorough
  • Identify the independent and dependent variables
  • Makakatulong ito sa iyo para maintindihan mo sila    
  • “Ma’am naman. Try hard talaga ako diyan.
  • Ilang daang dolyar na ang nagastos ko
  • Para bumili ng mga libro tungkol sa kanila
  • Duling na rin ako sa kakaresearch sa Internet
  • Have you looked into their inner psyche?
  • Maybe you should experienced vicariously
  • What they are going through, what’s in their head
  • Like a Rorschach Test, you can tap the unobservable”
  • “Ma’am N. Cruz, lahat ng klase ng inkblots ginawa ko na
  • Halos isang mansion na ang naipinta ko
  • Di ko alam kung anong color, texture, movement
  • Ang next na reaction nila, kung pwede nga lang
  • Burahin ang mga pininta ng mga magulang nila”
  • Ngumiti naman si H. Galuba
  • “Try to fathom their roots
  • where they came from, Anthropology;
  • This is essential to figure out the patterns of their aggression”    
  • “Sir naman, halos maging banlag na ako
  • Sa kakatingin dun sa graph ng evolution of man
  • Na pinaskil niyo sa blackboard
  • Kung pwede lang na pabasahin ko sila ng 8 chapters at
  • Ipareport sa next meeting, gagawin ko talaga” 
  •  ”Di ba nagtuturo ka sa Bronx?”
  • Malamang halos ng community ay illiterate
  • Dapat na- identify mo yan nung una pa lang
  • Sa Community Education for the Indigenous People”
  • Hirit naman ni A. Guinguino    
  • “Naku Sir G. Hindi lang sila indigenous
  • Mahilig sila sa crack, kaya cracked din ang brains nila
  •  Pilit ko nga rin na i- rehabilitate yung mga parents.
  • By the way Sir G. di ko pa rin nakakalimutan yung  
  • “Build a House Using Tingtings” activity natin”   
  •  ”Why don’t you try to dissect the source of their frustration?
  • Maybe there is something more serious with the factors
  • That contribute to their behavior, way of thinking
  • Pa charming na tinanong naman ako ni R. Bernardez    
  • “Sir naman. Di sila frog na pwede ko i- dissect
  • Gaya sa Zoology class natin sa Adenauer Bldg..
  • Tiningnan ko na lahat ng decaying factors
  • Preserved and naka- mount pa nga yung chart sa wall ko” 
  • Ngumiti si Lambino “Are they in the Adolescent Stage?
  • Perhaps they are confused, lost and without a clue
  • They do not have enough  Guidance and Counseling  from home.”  

  

  • “Yun na nga Ma’am eh, confused sila
  • Pati ako sobrang confused na, ni ayaw nila umuwi
  • Laging ubos tuloy yung lata ng Sky flakes ko
  • Di pa sila teenagers Ma’am pero mukha na silang College”  
  • “Have you looked into the social skills of your students?
  • You should be a model, di mo yata binasa yung kay Bandura
  • Lagi kang humahagikgik sa likod kasama si Leung
  • Pa cute ka lang nang pa cute sa Social Psychology”    
  • “Ma’am Kawi, hindi po kayo ang tinatawan namin
  • Yung hip- hop na naasa harap namin, kita na kase pwet niya.
  • Minemorize ko po si Bandura, lahat na kahit banderitas
  • Pati nga po kung ilan na ang movies ni Antonio Banderas”   
  •  ”Naalala mo ba yung Practicum I and II mo?
  •  Agoo ang assignment mo, never ka na- late
  • Napamahal sa iyo mga students mo, mahirap lang nung una
  • Nagprepare pa nga sila ng “instant prom” para sa iyo nung huli mong visit”    
  • “Ma’am G. Sanil, bawal sa amin ang mag- gown sa school
  • Magiging Cinderella ako na pinunit punit ang damit
  • Lahat naman ng natutunan ko galing sa inyo ginawa ko
  • Pati nga po yung OBSERVATION REPORT  
  • “Baka may internal crisis ka na hindi mo pa na resolve?
  • It is really hard to teach if you yourself are not healed
  • It will come out as fake, no matter how hard you try”
  • Biglang banat naman ni A. Macalma with his trademark smile    
  • “Sir Andz, hindi ba pwedeng maging associate dean kita?
  • Ginawa ko na sir, inalis ko na lahat ng skeletons in the closet ko
  • Pati yung mga wrapper ng Cadbury Candies na lagi nating kinakain sa G.O
  • Tanda ko pa lahat ng counseling sessions kasama si Dexter
  • Nilinis ko pa nga po yung table ninyo kase obsessive compulsive ako
  • Promise wala akong ninakaw sa Mickey Mouse Collection mo! ” 
  • “Ms. Toquero, have you not used my teachings?
  • Every Tuesday and Thursday, I used my mini karaoke
  • To teach Abnormal Psychology to the class
  • It was hard for me especially when 92 of your were not listening
  • I caught you once even combing your hair
  • The cases of these students may be classified into different disorders”  

  

  • Fr. Evarist, I reviewed abnormal psychology
  • And there is no need to go to psychiatry hospitals/ centers
  • People with disorders from histrionic to psychotic are here in NY
  • And yes I was combing my hair so my brain cells will run
  • To understand if the subject (me) is being normal or not “  
  • “Have you used the strategy of Logic?
  • If you only know the premise, you will know the end
  • Then you can justify if the behavior of the students  
  • Is valid or not.” Tanong ni Versoza    
  • “Sir, ginawa ko na po iyan
  • lahat ng triangles Drinowing ko na po
  •  lahat ng logic ginawa ko na
  • Bisita kayo sir, para maintindihan niyo
  • Na wala sila in their logical state of mind” 
  •  ”Ikaw bata ka!
  • Hindi ba lahat ng problema mo
  • Nalutas mo rin, pasensya at determinasyon lang
  • Kung yung Thesis mo, natapos mo in 3 months Yan pa!
  • Hindi ba special ed din yung ex bf mo? Kaya mo yan!”
  • Hirit ni Dr.T. Leal    
  • “Dr. Leal, adviser ko kayo nung tinatapos ko yung MA Sped
  • KAILANGAN ko ng advice  at hindi reminder kung
  • Gaano ako naging tanga doon sa ex bf ko
  • Need ko ang pagka- strikto niyo para sa klase ko,
  • Yung bang iiyak sila ng dugo dahil sa hirap
  • Yan ang nangyari nung unofficial defense ko sa harap ninyo”   
  •  Sumingit naman si R. Tacmo
  • “Ang sabi mo sa kin sa lahat ng special education classes mo
  • Under sa akin, may heart ka for special education
  • Kaya nga inaral mo lahat from autism, mental handicap
  • Hanggang hearing impairment, lahat ng spectrum”   
  •  “Sir Tax, hindi lang heart binigay ko sa kanila
  • pati atay at balunbalunan, iba talaga sila, di sila human
  • Parang hindi ko na alam ang behavior modification techniques
  • At pwedeng humingi ng chocolates? Sinosolo mo na naman eh!”  
  • “You should review your Early Childhood Education
  • Perhaps you need to retrace kung paano sila pinalaki
  • Parents, immediate family, unang schooling
  • Mabait ka sa klase ko, sobra nga pasensya mo iha”
  • Encouragement from T. Lingdas    
  • Ma’am Terry, pasensya ay nawawala na sa bokabularyo ko
  • Retrace?,  tracing sa classroom walls at table ang nangyari
  • LUMAKAS to the 10th power ang boses ko, rinig kahit sa hallway
  • Lagi ako namamaos, kase di sila makarinig/ pretending to be deaf”  
  • Ang magandang B. Mina ang humarap sa akin
  • “Why don’t you go over the Methods of Teaching?
  • It will help you with your students, different ways
  • Kung natolerate ko yung ingay ninyo nila Pina at Denisse
  • Matotolerate mo rin sila, mold them with a firm but loving hand”    
  • “Joke bayan Ma’am, hindi nakakatawa.
  • Mabait naman kami sa likod at marami kami ni- report
  • Hirap nung finals, gaya ng tinuturo ko ngayon
  • Eh Ma’am wala ako poise na tulad mo
  • Kailangan ko ng bullet proof vest at helmet”  
  • “Aralin mo ulit ang Foundations of Education
  • It will equip you with many techniques
  • On how to deliver a lesson plan
  • Utos naman ni S. Ayao- ao    
  • Ma’am Shin, tanke ang need ko
  • with matching ammunition
  • Ganda nga ng lay out ng lesson plan ko
  • Color coordinated from Monday to Friday”  
  • “Let us try the approach of Philosophy
  • Have you reviewed the eastern and western philosophers?
  • Review Plato’s Allegory of the Cave, it applies to you
  • You are the one who was able to see the outside perspective
  • Seryosong tono ni Serrano    
  • “Sir, lahat na ng pilosopo nakita ko na dito
  • At malayo sila kay Socrates, Aristotle at Nietchze
  • Sir, ayaw ko naman na ako yung papatayin sa loob ng cave
  • Ng mga students ko, kailangan ko na yata maging Sophist
  • Pwede ako magpabayad para mamilosopo rin ako”  
  • “My child, why don’t you look inside yourself,
  • If you are not happy then change your career
  • It is not too late, but you are a good teacher
  • You are not superman, do you or do you not love your students?”
  • Huling tanong ni F. Fortea  
  • “Teka happy naman ako kahit nahahampas ako ng upuan.
  • May good days at bad days pero pumapasok naman ako everyday.
  • Hindi kumpleto araw ko kapag di ko sila nakita, mag goodbye pag uwi nila.
  • Super hug naman nila ako pag wala silang “tinkerbell sa utak.”
  • Pagod ako pero ito naman ang kailangan kong adrenaline
  • Di ko yata kaya na HINDI MAGTURO.
  • Ito na ang buhay ko, di ako marunong mag- cartwheel
  • O maging Chef kase I burn not cook food
  •  Ito na ang career ko, mahal ko na ang pagtuturo”  
  • “Salamat mga Sensei ko sa SLU Natulungan ninyo ako na ipagpatuloy
  • Kahit masaktan, kahit tawagin akong Asian Delight
  • Guro ako, di na ito maalis sa akin
  • Parang Tattoo, di basta basta mabubura
  • Sige na po, kailangan ko na umalis
  • Baka maiwan ako ng plane, peak season pa naman po
  • Mahal ang aiirfare, balik na lang po ulit ako
  • At sana ISA NAMAN ako sa nakaupo sa tribunal
  • Aba! Nakakapagod tumayo nang 3 oras dito Sa Gitna ng Parking Lot ng SLU         

  

  • *** Ito ay isinulat ko para sa aking mga Sensei (Guro) noong nasa College of Human Sciences ako for my Bachelor’s Degree at noong nasa College of Education ako for my Graduate Degree*** 
  •  Kung tatanungin niyo kung bakit Sensei Onizukas ang Titulo ng isinulat ko, ibinase ko ito sa isang Anime character sa GTO series (Great Teacher Onizuka). Noong natapos ko ang anime series na ito, naalala ko kayong lahat, I am proud to be a Louisian kahit saan ako pumunta upang magturo sapagkat dala dala ko kayong  lahat kahit saan classroom ako isabak, sa Burberry bag ko pa nga kayo inilalagay.     

 

Leave a Reply