FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Archive for the 'Ang New York ay Isang Isla' Category


The Green Card Brick Road

Posted by filteany on September 24, 2007

*** Hindi ko ito isinulat upang magyabang sa aking mga kababayan ko. Ang tanging pakay ko ay malaman ng maraming Pilipino ang mga sakripisyo at ang mahabang proseso upang makakuha ng berdeng card. In other words, kailangan ko ng empathy dahil nawawalan ako ng loob. Malungkot ang manunulat sa kasalukuyan****

Pangatlong taon ko na ng pagtuturo sa New York. Bukod sa pagod sa pag- aalaga ng mga estudyante na may special needs, kailangan ko pang makisama/ makisayaw sa mga boss ko. Hinihintay ko pa rin ang referral letter ko galing sa Principal. Ito lang ang tanging requirement upang masimulan na ang aking green card application. Dagdagan mo pa ang walang katapusang paghingi ng mga kamag- anak sa Pilipinas na ang paniniwala nila ay parang dumudura lang ako ng dolyar. Habang iniinom ko ang instant chocolate shake ko, napaiyak na lang ako. Hindi silent pero humahagulgol na parang aso. Para ba akong nawawalan ng pag- asa at naiisip ko ang MALAYONG paglalakbay at paghihintay upang talagang maging stable ako dito. Bukod pa rito, ang $1600 na down payment sa lawyer ang nakadagdag pa sa aking stress. Hindi ko pa sigurado ang suma total ng lahat ng aking gagastusin pero ang aking hula ay kaseng bigat ng aking logs (legs) na nakatayo mula 8 am to 3 pm.

Pagkaraan ng sampung minuto, nahimasmasan na ako at nakapag- isip na naman nang maayos. Inisip ko kaagad kung saan ako kukuha ng down payment plus ang hinihingi pang pambayad sa utang na hindi ko naman inutang sa Pilipinas. (Hirap talaga ng buhay ng OFW!). Wacha! Naisip ko na may lines and loans ang aking bangko. Binasa ko ang terms, feasible so tumawag ako sa loan hotline. Daming tanong parang magsa- sign up ako sa US army. Bukas ko pa malalaman. Sana ma approve ang aking loan. Kapag hindi, utang sa isang bangko pero kaseng taas ng kawayan ang interest rate.

Plan A- Citibank Loan

Plan B- magsasayaw ako sa kanto ng Zerega Avenue, sana kahit penny eh mabigyan ako ng mga NYorkers habang pinagkakamalan na may sayad ako.

Plan C-  magpe- perform ako sa Subway, kaya ko nang i- execute ang criss cross and double leg stretch ng Pilates. Willing akong gawin ang position na ito mula Pelham Bay hanggang 42nd Street. Siguro naman may maaawa sa akin.

Plan D-  ibenta sa Ebay ang aking Snowglobe Collection at ang aking Xbox, PS 2 at DS Lite. Willing akong itigil ang aking addiction sa Video Games.

Plan E….. any suggestions?

Posted in Ang New York ay Isang Isla | 1 Comment »

Pinoy si Christopher Columbus

Posted by filteany on September 24, 2007

Sa Lunes,bakasyon na naman in observance of Columbus Day (yahooo!) . Siya ang tinaguriang dumiskubre sa Amerika na ang akala niya ay ang New World. Ano ang koneksyon niya sa isinusulat ko? Marami, mas marami pa sa buhok sa isang taong “Shagi”….. Sha Gilid ang Buhok.

1. Lahat ng OFW ay parang si Columbus, maraming hirap ang dinaanan upang makarating sa “Promise Land”.

2. Maraming pera din ang nagastos ni Columbus sa kanyang expedition. Tayo rin, lahat ng “bangka”/ piggy bank ang binasag upang  makaabot sa ating destinasyon.

3. Nawalan rin ng direksyon si Columbus. Isipin natin ito mga kababayan. Hindi ka man nakapunta sa New York upang magtrabaho, andyan pa naman ang Virginia, Maryland, New Mexico at Florida. Never give up, never surrender, no retreat, walang urungan (over na ba?)

4. Nakisama din si Columbus sa mga “natives” ng Amerika. Tayo ang mga bagong “conquerors”  (hindi lang namamalayan ni Bush) pero tayo ang nagpapatakbo ng kanilang ekonomiya. Tandaan lamang na ang mga taong pinanganak sa US of A ay bihirang gustong maging Nurse o Teacher. Jackpot tayo mga kapatid! Unang iyak pa lang, sinabi na ng ating nanay, “Anak, magiging nurse ka/ magiging sped/ science/ math teacher ka!” I AM SO PROUD OF YOU! (Huwag ka lang magpabuntis o makabuntis)

5. Pinagsamantalahan ni Columbus ang Amerika. Ni- rape niya ang natural resources at iba pang yaman ng New World. Nandito rin tayo para maging “Robin Hood” (hindi literal po). Nagiging Batman pa tayo sa paggamit ng “resources” ng Amerika upang umangat naman ng kaunti ang ating Third World Country (hindi ito insulto ha, katotohanan ito) Pero tayo naman mga Pinoy ang nakakapasa with high scores sa mga state examinations. Obvious na obvious ito sa mga batang pinoy na galing diyan na dito na nag- aaral.

6. Taon taon, maraming “Christopher Columbus” ang nagpupusta, nag mamakaawa sa mga kamag- anak para pautangin at naghahanap ng mga hindi manlolokong agencies.

Ang tanging hiling ko lang ay maging maayos, ligtas at legal ang paglalakbay ng mga Columbus na tulad ko.

Posted in Ang New York ay Isang Isla | 2 Comments »

Empire State Observation

Posted by filteany on September 24, 2007

Bumisita ang best friend kong si Pina at close friend na si Ate Aleth. Perfect ang timing dahil three days weekend because of the observation of Yom Kippur. Ito ang masarap sa New York, lahat ng cultural holidays, wala kaming pasok sa school para walang discrimination. Pasalamat talaga ako sa mga African Americans dahil sila ang may pinakamaraming holidays.

Balik tayo sa pagbisita ng aking mga friends from Maryland. It is surely a breather from a month (compared to three months) of teaching special ed students. As expected, shopping galore starting from Chinatown and the mega millions of picture taking. Fifth Avenue, Chinatown and Times Square ang naging background namin. It was perfect since we have an official photographer, Marcello who made us look so slim in the pics. My readers will see them soon on this site and on my friendster page.Natatawa lang ako dahil lamig na lamig na ang dalawa kong friends samantalang ako ay naiinitan pa. It is the autumn breeze pero malamang mas matanda lang sila sa akin (Pina ang Ate Aleth, huwag niyo ako kulamin ha). It was 1: 00 in the morning that we went home to my apartment. Wala pang 5 minuto, bagsak na at naghihilik na ang mga bisita ko.

This morning, we decided to go to the Empire State Building Observatory. It is my first time since busy ako lagi at hindi masaya kung mag- isa lang akong magview ng buildings at si Mareng Liberty. Exception na lang siguro kung may usapan kami ni Brad Pitt na hihintayin niya ako sa tuktok ng building at live happily ever after kami. Reality check, kasama ko ang friends ko na pumila to go up the Empire State Building ala King Kong. ANG KASO CLOUDY AND RAINY ANG WEATHER today. Zero visibility so wala talagang makita from the top. But this did not stop us from taking pictures kahit mukha akong engot na mega hawak ng baligtad na payong at mega click ng camera para kunan si Pina at Ate Aleth na katabi ang mga keychains at posters ng ESB.

Pagkababa namin, malungkot si Pina dahil puro ulap ang background ng pictorial niya. We opted to have brunch in a deli. Walang katapusang kwentuhan about work, love life, tsismis (siyempre!) at yung mga yumabang na kasama namin dahil ang sweldo ay in $ na. Pagkatapos namin kumain, BIGLANG NAGING SUNNY at parang summer. Si Lord talaga, sarap kaming “pinagtritripan.” Gusto pa sana bumalik ni Pina sa ESB pero kinaldkad namin siya para pumunta na lang sa Macy’s.

Tapos bigla na naman naging cloudy. Sanay na ako dahil ang New York ay mabilis magpalit ng kahit na ano. Nakakainis lang pag gusto mo ng personal fashion spread. Hinatid namin sila sa Chinatown ulit. Naiiyak ako dahil miss na miss ko na naman ang mga friends ko.

Habang sinusulat ko ito, naisip ko na ang Empire State Building ay symbol ng aming paghihintay, pagsasakripisyo at pagpapadala ng pera at pagtratrabaho to the buto. Kapag nasa tuktok ka, hindi pala ibig sabihin na bed of sampaguita na lagi. May mga araw na parang wala ng hope dahil walang makita, homesick dahil sa pag- iisa at mga mas malaking problema dulot ng pagasa ng mga naiwan sa Pilipinas.

Nagpapasalamat ako na umakyat ako sa ESBO, naging paalala ito na malayo at mataas pa ang aking paglalakbay. Tuwing mahihirapan na naman ako, titingnan ko na lang ang keychain na binili ko at babalikan ko ang Linggo na pumasyal kami ni Pina at Ate Aleth sa ESB, nabadtrip dahil cloudy pero pagkaraan ng isang oras, lumabas na ang araw. Sa palagay ko, ganito ang buhay natin, minsan maaraw, maulan, mabagyo, snowy, windy (na ayaw na ayaw ko dahil nasisra ang mga pula kong payong) at maulap. Depende na lang sa iyo kung paano mo ito “we- weatherin.”

Posted in Ang New York ay Isang Isla | No Comments »

Milyong Papeles

Posted by filteany on September 24, 2007

Nabanggit ko sa (hinihintay ko pa ang sagot ng publishing co) na libro ko, importante ang mga papeles. Ililista ko ang mga dapat na meron ka at dapat mong makuha bago ka makalangoy palabas ng bansa. Malamang sabihin niyo na hindi na ako maka- pinoy pero hindi rin ako hipokrita, alam ko na ang hirap sa bansa natin. kaya libo libong tao ang naga- apply abroad. Habang hinihintay natin na maging maayos ang ating gobyerno, ihanda ang mga sumusunod:1. Diploma - yung tunay at hindi yung pinagawa sa Recto. Hindi na natin magogoyo ang mga prospective empoyers dahil may ways sila of checking. Tama na ang pekean, utang na loob. Isang pinoy na nagpapanggap na graduate ng Ateneo, kapag nabisto ay matataguriang representative din ng 1000 pinoy. Huwag mo naman nakawin ang pagkakataon ng iba nating kababayan.

2. Original and Certified copies of Transcript of Records- again, huwag pekein!

3. NBI clearance (required ito kapag andyan pa sa Pinas), dito fingerprinting clearance. So kung manginginom ka, iwasang makipag basag- ulo muna.

4. NSO certified Birth certificates- dito ako nahirapan dahil nung dekada 70, eh uso pa pala ang baby girl at baby boy family name ang inilalagay sa birth certificate. Hello???!!! ang dami kayang pinanganak na girl at boy nung taong 197_____ (hulaan niyo nalang) Basta ngayon ay stick to 24 years old ako (hahahahaha, palakpak naman diyan) Kailangan ko pa na halukayin ang aking baptismal certifcate para ipatunay na ako ay may pangalan. Lucy Torres Gomez este Hazel Bernardo Toquero.

5. Copies of workshops/ seminars that you attended. The more, the better! Pandagdag din ng sweldo ito lalo na kung bigatin ang binigyan mo ng stellar attendance.

6. Original letters of EMPLOYMENT from all past employers. Advise lang kahit yung tutorial, kumuha ng letter because they take these into consideration in determining your salary. Always keep photocopies of them.

7. Passport- kahit hindi ka pa nabibigyan ng linaw, kumuha na. Do not wait until the last minute.

Sana ay nakatulong ang mga inilista ko at ang pinakamahalahng aral na tatandaan niyo ay , huwag maging burara! Ilagay lahat sa waterproof na envelope. So when the prospective employer asks to look at these papers, hindi mo na tatawagin si Batman o si Lionel (from Thundercats) para ihatid sa kamay mo. Bonus point ang EVER READY.

Posted in Ang New York ay Isang Isla | No Comments »

Katuloy ng Librong “Ang New York ay Isang Isla”

Posted by filteany on September 24, 2007

Tapos na ang librong “Ang New York ay Isang Isla.” Sana ay magustuhan ito ng publisher. Ang hirap pala maghintay ng 2 buwan para sa sagot. Kung ayaw nila, may publisher B, C and D. Basta promise ko ay mababasa niyo ang buong libro. Kahit ibenta pa ito sa sidewalk ng Quiapo.

Binasa ko ulit ang mga kapitulo. Ganito yata ang sakit ng mga manunulat. Never kaming makuntento sa aming obra maestra. Naisip ko marami pang paksa ang pwede kong masulat tungkol sa New York. Dahil nagsimula na naman akong magturo, napili ko ang topic ng poverty sa New York.

Kapag New York kase, Manhattan skyscrapers at Empire State building ang pumapasok sa kokote natin. Mali pala dahil ang daming mahihirap na Nyorkers. Hindi kaseng dami ng nanlilimos sa atin pero significant pa rin ang number nila. Kabilang na dito ang pamilya ng aking mga estudyante. Ang New York State ay may programs for unemployed people. shelter homes and welfare funds. Courtesy ito ng sobrang taas na tax na kinakaltas sa amin. Okey lang, nakakatulong din.

Poverty is everywhere kahit sa mga “glamorous” countries tulad ng US of A. Marami ang nawalan ng trabaho mula nung 911. Thank you Bush at ipinunta niya lahat ng funds para sa war.

Paano makakatulong sa mga students na living in poor conditions as a teacher. Simple, kailangan hindi ka maging kuripot at masaya kang nagbibigay.

1. Snacks. snacks. snacks. Puno ang dalawa kong boxes ng snacks para sa klase ko. Ang bilis nilang magutom. Hindi ko sila masisi, growing sila at walang halos makain sa bahay. Minsan, isang bata ang humingi pa ng extra para maiuwi sa nanay niya.

2. Recycle. Maraming funds ang NYCBOE. Ang ginagawa ko,  inaayos ko ang closet ko at humahanap ng supplies tulad ng notebook o book bag para hindi na bumili ang mga magulang. Wala naman na silang pambili. Graduate na ang anak nila bago pa nila mabili ang 6 na notebook at 9 na folder.

3. I celebrate lahat ng okasyon tulad ng bday, christmas, Yom Kippur, Halloween, Ramadan dahil pagkakataon ito para sa “small parties” Kaming mga teachers ay may tradisyon na ginagawa para kasali ang lahat ng culture and race, walang nali- leave out.

4. May mga organizations online na nagdo- donate para sa “at risk” schools tulad ng sa akin. Mag email lamang sa kanila at within one month, may supply na ng toothbrush. toothpaste, book covers, notebooks at iba pang school supplies. Isang picture lang ang hinihingi nila, hawak hawak dapat ng mga bata ang mga donated items nila.

Ilan lamang ito sa mga paraan upang makatulong sa mga estudyante hirap. Sana ang bayan natin ay may programa para sa halos lahat ng Pilipinong naghihirap. Sa mga bumasa nito, magpasalamat ka dahil may 10 notebooks ka nung grade 6 ka at may bagong pokemon na bag.

Posted in Ang New York ay Isang Isla | 1 Comment »