Talong linggo palang ang nakakaraan ng aking pagtuturo pero ang pakiramdam ko ay sampung taon na ako sa aking klase. !2:1:1 ang type ng aking classroom, ibig sabihin ay 12 children (multiplied by 30, depending on the disability) and 1 teacher (cute na ako) at 1 instructional paraprofessional (suwerte ako dahil hindi tamad ang nakuha ko). Mahirap dahil Kindergarten sila. Gusto ko nang tumalon sa Brooklyn Bridge dahil ang shape at color ay parehong konsepto sa kanila. Lahat ng bagay ay circle at blue. Hindi ko alam kung ginogoyo ako o talagang “zero balance” sila. Mataas siguro ang aking expectations. Alam ito ng aking mga estudyante sa Pilipinas. Kung alam kong kaya nila, binibigyan ko sila ng 2 levels up pa. Walang excuse dahil normal sila. Ang 12 kong estudyante ay mga “cute”. May sobrang lambing na pinagpupunasan na ako ng sipon, may sobrang hiya na namumula tuwing binabati ko, may “little devil” dahil malutong akong minumura at isa na walang tigil ang tanong. Mula sa “bakit bilog ang araw, bakit siya girl hanggang sa bakit pink ang aking nail polish?” Nakakaloka pero pinagmamalaki ko na sa ganitong usapan, tinitigil ko ang lahat para lamang sagutin sa abot ng aking makakaya. Katwiran ko ay baka mali pa at kamanyakan ang ibigay na sagot ng mga magulang nila. Ang iba ko naman estudyante ang may ADD, ADHD at PDD. Kahit ano pa ang disability nila, pareho lang sila sa kin. HUWAG NA HUWAG AKONG LILINGAP dahil kapag pumikit ako, nakabitin na sa bintana ang isa at yung dalawa ay ginagawang candy ang crayola ko. Mahirap at nakakapagod. Pag- uwi ko, para akong lantang okra na namamaos. Ilang bag na rin nga Halls menthol ang naubos ko para makapagsalita pa ako. Bukod pa rito, dinagdagan pa ng NYCBOE ang aming paperwork na sa akin lang walang kakwenta kwenta dahil hindi “appropriate” sa aking klase. Assessment kuno, pwede mo ba naman pagbasahin (running record) ang isang bata na may Down Syndrome o Dyslexia na dahil sa frustration ay kumakain na lang ng tissue paper. May background ako sa Psychology. Hindi ako sang- ayon dahil unfair ito sa kanila. Bakit walang test for improvement of attention span o dercrease ofd self injurious behavior/ cursing at pagtapon ng upuan sa silya? Sa aking paniniwala, mahalagang i- assess ito dahil lalaki ang mga batang ito at kapag walang intervention, asawa naman nila ang kanilang iha- harakiri. Iniisip ko kung mag- aabsent ako bukas tutal marami pa naman akong sick days. Hindi naman ako sick “sick and tired “lang dahil hindi ako umuupo mula 8 am hanggang 3 pm. Lunchtime ko ay kumakain ako habang nag aayos ng “production setting” para sa Math Workshop. Dapat maraming gimik, maraming prizes at siyempre maraming pambobola ko para lang makuha ko ang attention nila. Kabibigay sa aking ng isang folder ng “reading assessment.” Sinaksak ko sa dulo ng aking drawer at hindi ko na tiningnan. Kesehedo pang wala silang record. Ibang record ang gagawin ko. BASIC FOUNDATION tulad ng pagkain nang hindi parang aso, ang magzipper ng sariling pantalon at paglinis ng sariling table pagkatapos kumain. Higit sa lahat ang mapaupo ng 15 minutes at matapos ang isang task nga walang murahan at hilahan between me and him/ her. Kapag naisakatuparan ko na ang aking mithiin, saka ko na sila turuan ng pre- reading, pre- math at pre- writing skills. Alam ko na ang capacity nila, alam ko kung hanggang saan at kung ano pa ang pwede nilang magawa. Sa Hunyo, bago sila grumaduate, kailangang pasahan nila ang aking “exam.” Simple lang ang aking exam. Self control at Bilib sa Sarili na kaya nila kung magpupursigi sila.
Bakit Ang Pagong at ang Kuneho sa Big Apple ang titulo? Hindi ko alam, pantawag pansin lamang at kuneho ako dahil magmamadali na naman ako bukas at pagong para sa king mga estudyante. Okey lang, mabagal at mahirap sa simula. Pagkatapos siguro ng pasko, alam na nilang bigkasin ang aking pangalan….Ms.T at hindi T,P,Ch.
