FILTEANY Your Big Apple Jeepney!

Baril Barilan Sa Bronx September 24, 2007

Filed under: Filteany- Out of the Ordinary Turf — filteany @ 9:19 pm
Tags: , , , , , , , ,

Alam ng buong mundo ang naganap na trahedya sa Virginia. Isang estudyante ang na- praning at bumaril ng 33 katao. Karamihan nito ay mga estudyante at maraming debate ang umusbong mula dito. As usual ang mga argumento ay tungkol sa right to firearms and causes of violence. Sa aking opinyon, lahat tayo ay responsable para sa isa’t isa ngunit kadalasan dedma tayo. Nagigising lamang tayo kapag may karumal dumal na nangyari.

Pauwi kami ng aking kaibigan noong Biyernes at napagusapan namin ang posibilidad na maaaring maging “site of shooting rampage” ang aming eskwelahan. Hindi ito malayong mangyari sapagkat ilang pagkakataon na rin na may gang wars, shooting in broad daylight sa perimeter ng aming paaralan. Isa dito ay ang isang 18 years old na babae na biglangbinaril sa ulo habang naghihintay ng bus. Walang motibo, trip lang at hanggang ngayon ay walang nahuhuli. Isang pruweba na rin ay mga “bulok” at outdated na sasakyan ang gamit ng aking mga katrabaho. Takot silang magmaneho ng mga bagong sasakyan. Yung ibang malakas ang loob na bumili ng Honda  CRV 2007, luhaan na ng kinahapunan dahil basag ang mirror at wala na ang radyo. Paano nga ba kung may pumasok na taong may malaking “tagis” at magumpisang magala- Scarface. Isa lang ang aming security officer. Okey siya pero ngayon wala sa sarili dahil in love sa kanyang 22 years old na boyfriend. Demi- Ashton ang drama nila pero hindi niya kamukha si Moore, “Demisalang, Cavite” ang dating niya.

Balik na tayo sa paksa, ano ang gagawin ko kung alam kong ilang minuto na lang at mapupuno na ng bala ang aking pang FHM na katawan. Sabi ng kaibigan ko, magtatago siya sa closet. Ako meron rin closet pero ilalagay ko na lang ang mga estudyante ko na para silang de lata. Kung pwede ko pa isiksik ang aking pwet, okey. Pero kung may third eye ako maghahanda ako ng Chart aka listahan ng mga rason na ipapaskil ko sa pinto ng aking classroom para basahin ng killer. Mag- iiwan din ako ng basket ng Hershey’s kisses, subscription sa Playboy magazine at siyempre gift card mula Macy’s. Kapag makayanan niyo pa ang aking kabaliwan, eto na ang aking listahan. (Kung alam ko rin ang kanyang nationality, translated siyempre)

1. Ipag- lunch mo muna kami dahil ang mga estudyante ko ay hindi pa kumakain. Sampal at mura ang hapunana nila. Please be considerate.

2. May “bisita” si Ms. T so kapag binaril mo siya, mas maraming dugo. Sayang naman ang mga binili niyang tampons.

3. Kung hindi mo maintindihan ang # 1 and 2, maaring pumunta lamang sa General office at andoon ang boss ko, nagtatago sa ilalim ng mesa niya.

4. Hindi pa namaster ng aking klase ang mga kulay. Ang red ay green pa rin at ang purple ay isang gulay.

5. For your information, bagong model na ng Victoria’’s Secret si Ms. T. Sawa na sila kay Heidi Klum. (Dito magsuicide na lamang ang killer, isipin na lamang niya na nakasuot ako ng thong. Nakakamamatay na vision ito)

6. Ang boss ko ay nasa general office. Bitch siya! Ipaglaban mo si Ms. T at ang buong eskwela. Puksain ang kasamaan! (Lalagyan ko pa ng sound effect na kulog at kidlat)

7. Maraming pangarap ang aking mga estudyante. Karamihan ay gustong maging construction worker at ang mga girls ay gusto maging hooter.

8. Hindi pa tapos ang topic namin sa Writers Workshop. Grammar ang lesson ko. (We was pa rin kase sila wala alam sa grammar)

9. Walang iiyak kapag namatay si Ms. T. (Ambivalence ang feeling nila so hindi ako ganoon significant)

10. Gusto ko ng glamorosong kamatayan. Ayaw ko yung sabog ang utak ko o labas ang tiyan. Ayaw ko ngang pagtawanan ako ng mga kapatid ko habang nasa kabaong. Mga alaskador pa naman sila.
11. Ako lang! Ako lang at ako pa rin ang nagmamahal nang totoo sa aking klase.

12. Malapit nang iwanan ni Brad si Angelina. Sobrang payat na kase siya kaya babalik na sa akin si Brad. Aampon kami mula Pilipinas, Fiji at Haiti. (UN ambassador din ako, gusto mo trabaho?)

13. Inuulit ko! Nasa ilalim lang ng mesa ang boss ko. Baka nagrere- touch ng biyak biyak niyang foundation.

14. Hindi ko pa napuntahan ang Paris. Please, pagkapehin mo naman ako kaharap ang French manicure ko.

15. Baka pagtawanan ka ng klase ko kase mas maraming firearms ang kanilang mga magulang.

16. Nabitin ka ba sa crack? Teka, may kontak akong parent. Naiwan niya ang isang pakete ng coccaine sa auditorium noong graduation ng kindergarten last year. Ilang guhit gusto mo?

17. Tatapusin ko muna ang pagdasal ko ng rosary na nakalihod sa macaroni noodles. Walang munggo eh.
18. Mabait na brattina na matulungin na may topak na mapagbigay na moody na mahilig sumulat na mataray na umaangal pag hindi “in” na patuloy na nagiging dakilang OFW si Ms. T.

19. Kung hindi mo maintindihan ang # 19, again nasa opisina lamang si bossing. Tanungin mo siya, like na like na sobrang like niya ako, promise!

20. Gusto kong mamatay………………………..edad 90 na nakalimang asawa. (Si Brad, Si Orlando, Johnny D., Vin Diesel at sige na nga si Sanjaya)

21. Idol ka ng mga estudyante ko, gusto mo bang mawalan ng fan base? tsk tsk tsk

22. Ang boss ko ay isang mahadera. period. Hindi siya marunong magblend ng make up at lampas labi ang kanyang lipstick. Peke rin ang kanyang buhok. Carry mo yun?

23. May gamot ako dito pampakalma. Aantukin ka lang dahil anti- allergy. Kung gusto mo naman hihingan kita ng “sack of doobie” or sako ng damo sa aking katrabaho. Magaling rin siyang Arts Teacher.

24. Hindi mo ba alam na si Ms. T ay si Darna. Nagkatampuhan sila ni Ding at ang bato ay nasa aquarium niya.

25. Relax ka muna, may Cuervo sa ilalim ng mesa ko. Kapag naloloka din ako, naiintindihan kita. Gusto ma ba ng Bailey’s? Margarita? Pina Colada?

26. Tao ka, tao ako, tao ang mga estudyante ko. Ang Boss ko anti- tao. Alien siya. Gusto mo ba na mahaluan tayo ng ibang specie?

27. Wala ka bang gf? Madali lang yan, marami sa bansa ko ang gustong makarating dito. Mag cyber chat tayo, merong internet ang Sidekick 3 ko.

28. Hindi ka na ba naniniwala kay Lord? Samahan mo ako magsimba at magbasa ng bibliya. Explain mo sa akin tapos panoorin natin ang Da Vinci Code. Libre kita.

29. Ang mga estudyante ko ay may mga pangarap. Actually pangarap ko para sa kanila. Pwedeng pagbigyan mo lang ako. May puti na akong buhok dahil sa kakaturo na ang 1+1 ay 2 at hindi 11.

30. Narinig mo ba iyon sa PA? Pinapatawag ka ng boss ko sa opisina niya. May cookies at juicy juice ang naghihintay sa iyo.

Kung nabasa niyo ang aking tulang “He was a Loner”, puwede niyong sabihin na hindi ako tuluyang lokaret. Marami na rin akong natanggap na negative comments dahil naiisip ko pa raw yung killer. Pero matigas ang ulo ko at website ko at umiyak ako habang sinusulat ko. Hindi ko alam kung ipapako niyo ako sa krus dahil sa sinulat ko pero ipagdasal niyo naman na hindi ito mangyari. Sabagay, sa The Bronx lang naman ako nagtuturo.